"Natatanging Kabanata"
Kung ika'y nababasa sa paraang nobela'y nauunawaan, Bawat titik, salita, pangungusap at parirala'y aalamin ang kahulugan. Babasahi't uunawaing banayad at dahan-dahan, Mga eksena't tagpo sa istoryang tayong dalawa ang tauhan.
Kasabay ng paglapit ng ating katawan ang paglaya ng kalooban, Pintig ng ating puso'y tila musikang sa tainga'y kaygaan. Maari bang oras ay pigilan? Sa eksenang ito'y istorya'y tuluyan nang wakasan?
Kung ating kuwento'y salungat sa wakas ng nobela, Kung ang katotohana'y sisira sa pagmamahalang itinakda, Pipiliing tandaan mga talata't saknong ng lupon ng letra, Kung saan tayo'y magkahawak, puso'y maliligaya.
Ninanais na manatili sa kaygandang kabanata, Tigilan ang pagbabasa't huwag ituloy ang istorya, Pigilan ang sariling ilipat ang pahina, Kung saan wakas ay ang paghiwalay ng landas nating dalawa.
- Atsu
Kung ika'y nababasa sa paraang nobela'y nauunawaan,
Bawat titik, salita, pangungusap at parirala'y aalamin ang kahulugan.
Babasahi't uunawaing banayad at dahan-dahan,
Mga eksena't tagpo sa istoryang tayong dalawa ang tauhan.
Kasabay ng paglapit ng ating katawan ang paglaya ng kalooban,
Pintig ng ating puso'y tila musikang sa tainga'y kaygaan.
Maari bang oras ay pigilan?
Sa eksenang ito'y istorya'y tuluyan nang wakasan?
Kung ating kuwento'y salungat sa wakas ng nobela,
Kung ang katotohana'y sisira sa pagmamahalang itinakda,
Pipiliing tandaan mga talata't saknong ng lupon ng letra,
Kung saan tayo'y magkahawak, puso'y maliligaya.
Ninanais na manatili sa kaygandang kabanata,
Tigilan ang pagbabasa't huwag ituloy ang istorya,
Pigilan ang sariling ilipat ang pahina,
Kung saan wakas ay ang paghiwalay ng landas nating dalawa.
- Atsu
No comments:
Post a Comment